Bantas
Ang mga bantas (Ingles: punctuation) ay mga simbolo na tumutulong sa tama at wastong pagkakaintindi ng mga teksto.
Kabilang sa mga bantas ang mga sumusunod:
- Tuldok (.)
- Tandang Pananong (?) Kumain ka na? Talaga ba?
- Tandang Padamdam (!)
- Kuwit (,)
- Kudlit (‘)
- Gitling (-)
- Tutuldok (:)
- Tuldok-kuwit (;)
- Panipi (“”)
- Panaklong ( )
- Tutuldok-tuldok (…)
Paggamit ng iba't ibang mga bantas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tuldok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tuldok (.) ay ginagamit na pananda:
A. Si Kylene ay isang magandang binibini.
B. Sa pangalan at salitang dinaglat. Mga halimbawa: (a) Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo. (b) Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang “Basic Christian Living”.
C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng isang balangkas, talaan.
Tandang Pananong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ginagamit ang tandang pananong ( ? ):
A. Sa pangungusap na patanong. Mga halimbawa: (a) Ano ang pangalan mo? (b) Sasama ka ba?
B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap. Mga halimbawa: (a) Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Tandang Padamdam
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang bantas na tandang padamdam ( ! ) ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin. Mga halimbawa: (a) Mabuhay ang Pangulo! (b) Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos. (c) Aray! Naapakan mo ang paa ko.
Kuwit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kuwit ( , ) ay ginagamit sa ganitong mga kaparaanan:
A. Paghihiwalay ng isang sinipi.
B. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkaka-uri. Halimbawa: Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy. Shana, saan ka nag-aaral ngayon?
C. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pangkaibigan. Mga halimbawa:
- Mahal kong Marie,
- Nagmamahal,
- Sa iyo kaibigang Jose,
- Tapat na sumasaiyo,
D. Pagkatapos ng Oo at Hindi. Mga halimbawa: Oo, uuwi ako ngayon sa probinsiya. Hindi, ayaw niyang sumama.
E. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno. Mga halimbawa: Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo. Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo.
F. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalawigan sa pamuhatan ng isang liham. Mga halimbawa:
- Nobyembre 14, 2008
- Project 8, Quezon City
G. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap. Halimbawa: Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda”.
Kudlit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kudlit ( ‘ ) ay ginagamit na panghalili sa isang titik na kina-kaltas. Halimbawa: Siya’t ikaw ay may dalang pagkain. Ako’y isang mamamayang Pilipino at may tungkuling mahalin at pangalagaan ang aking bayan.
Gitling
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang gitling ( - ) ay ginagamit sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:
A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa: araw-araw isa-isa apat-apat dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila masayang-masaya
B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay
nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang kahulugan
Halimbawa: mag-alis nag-isa nag-ulat pag-ibig mang-uto pag-alis may-ari tag-init pag-asa
C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa: pamatay ng insekto - pamatay-insekto kahoy sa gubat - kahoy-gubat humgit at kumulang - humigit-kumulang lakad at takbo - lakad-takbo bahay na aliwan - bahay-aliwan dalagang taga bukid - dalagang-bukid
Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan, hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito.
Halimbawa: dalagangbukid (isda) buntunghininga
D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang
bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling
Halimbawa: maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique mag-pal maka-Johnson mag-Sprite mag-Corona mag-Ford mag-Japan
E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay
nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong tanging ngalan
Halimbawa: mag-Johnson magjo-Johnson mag-Corona magco-Corona mag-Ford magfo-Ford mag-Japan magja-Japan mag-Zonrox magzo-Zonrox mag-India magi-India
F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.
Halimbawa: ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata
G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.
Halimbawa: isang-kapat (1/4) lima’t dalawang-kalima (5-2/5) tatlong-kanim (3/6)
H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang
bana o asawa.
Halimbawa: Gloria Macapagal-Arroyo Conchita Ramos-Cruz Perlita Orosa-Banzon
I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.
Halimbawa: Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino.
Tutuldok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tutuldok ( : ) ay ginagamit matapos maipapuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag, sa ganitong mga paraan:
A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod. Mga halimbawa: Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa.
B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal. Mga halimbawa:
- Dr. Garcia:
- Bb. Zorilla:
C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan. Halimbawa: 8:00 a.m Juan 16:16
Tuldok-kuwit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tuldok-kuwit ( ; ) ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig, sa ganitong mga paraan:
A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham pangalakal. Mga halimbawa: Ginoo; Bb;
B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig. Mga halimbawa: Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan. Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang magpatiwakal.
C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa. Mga halimbawa: Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.
Panipi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga panipi (“ ”) ay inilalagay sa unahan at dulo ng isang salita sa ganitong mga kaparaanan:
A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi. Halimbawa: “Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.
B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba’t ibang mga akda. Halimbawa: Nagbukas na muli ang “Manila Times”. Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”. Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang “Anak Dalita”.
C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga. Halimbawa: Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer Programming”.
Panaklong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang panaklong ( () ) ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito.
A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno. Halimbawa: Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.
B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan. Halimbawa: Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay humigit-kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao.
C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon. Halimbawa: Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )
Ito rin ay puwedeng gamitin sa matematika: Halimbawa:
24+(64÷8)-14=N 13+(25×29)=N
Tutuldok-tuldok
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang tutuldok-tuldok o elipsis (…) ay nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karugtong ng nais na sabihin.
A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag. Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa mga salitang nawawala ay sa hulihan ng pangungusap. Halimbawa: Ipinagtibay ng Pangulong Arroy …
B. Sa mga sipi, kung may iniwang hindi kailangang sipiin. Halimbawa: Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang …
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Text is available under the CC BY-SA 4.0 license; additional terms may apply.
Images, videos and audio are available under their respective licenses.